Cyberbullying (Sintesis)
Ang cyberbullying ay laganap na sa Pilipinas at ito ay kadalasang nangyayari sa sosyal midya, online messaging platforms, gaming platforms, at sa mga telepono or selpon. Ang cyberbullying ay paraan ng pagpapahiya ng isang tao gamit ang mga larawan, bidyo, o mensahe na naglalayong makasakit, makapanloko, at manakot ng ibang tao. Ito ay nag-iiwan ng digital footprint na maaaring ma-access ng karamihan, at magsilbing ebidensya sa pag-report at pagtigil ng pang-aabuso. Kadalasan, hindi madaling sabihin na nangyayari ang pangyayaring ito dahil minsan ay idinadaan lamang ito sa biro na hindi dapat seryosohin. Ngunit kapag nagtuloy-tuloy pa rin ang mga birong ito kahit nakakasakit na ay maaaring bullying na ang nararanasan. Nag-iiwan ito ng epekto sa pisikal, emosyonal, at mental na kalagayan ng isang tao, at maaari pang humantong sa mas malalang bagay katulad ng pagkitil ng buhay.
Maaari namang humingi ng tulong sa magualang, kaibigan na nasa hustong gulang na, guro, school counselor, o propesyunal na tagapayo kapag sa tingin ng isang tao ay naaabuso na sila. Maaari ring i-block at i-report ang pambubully sa mga plataporma ng sosyal midya dahil sila ay obligadong panatilihing ligtas ang kanilang mga users. Kahit sino ay puwedeng makaranas ng cyberbullying kaya mabutihin ring magpakita ng suporta at makipag-usap sa taong nabibiktima. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ligtas ang pagbahagi ng kung anu-ano sa sosyal midya dahil baka magamit ng ibang tao ang mga impormasyong ito laban sa iyo. Mabuti nang maging pribado at huwag basta-bastang ibibigay ang mga personal na impormasyon katulad ng buong pangalan, tirahan, at contact details. Mag-isip ng mabuti bago mag-post (think twice before you post).
Comments
Post a Comment