Panimulang Pananaliksik (Abstrak, Sintesis, at Bionote)
Abstrak
Kahulugan:
Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko, teknikal na lektyur, at mga report. Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. Naglalaman ito ng pinakabuod ng buong akdang akademiko o ulat.
Katangian:
1. Binubuo ng 200 - 250 na salita.
2. Gumagamit ng mga simpleng pangungusap.
3. Walang impormasyong hindi nabangit sa papel.
4. Madaling maunawaan ng target na mambabasa.
5. Kumpleto ang mga bahagi.
Sintesis
Kahulugan:
Ang Sintesis o buod ay ang pinakamahalagang kaisipan ng anumang teksto. Ito ay isang bersyon ng pinaka maikling teksto o babasahin. Ito ay ang paglalahad ng anumang kaisipan o natutunang impormasyong nakuha mula sa tekstong binasa na nasa yamang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari. Ikinakapit dito ang salitang “sumaryo” na layuning panatilihin ang mga mahahalagang impormasyon ng pangyayari o katotohanan na hindi nangangailangan ng maraming paliwanag o pagpapahayag.
Katangian:
1. May obhetibong balangkas ng orihinal na tekso.
2. Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo.
3. Hindi nagsasama ng mga halimbawa, detalye, o impormasyong wala sa orihinal na teksto.
4. Gumagamit ng mga susi at sariling salita.
Bionote
Kahulugan:
Ang Bionote ay isang pormal na akademikong sulatin na kung saan nakalahad dito ang iba’t ibang impormasyon tungkol sa isang indibidwal sa paksang tinalakay sa papel. Isa itong impormatibong talata na nagbibigay impormasyon sa mga mambabasa tungkol sa isang indibidwal, kung sino siya, o kung ano-ano ang mga nagawa niya bilang isang propesyunal.
Katangian:
1. Maikli ang nilalaman nito at ginagamitan ng ikatlong panauhan.
2. Nakatuon ito sa angkop na mga kasanayan o katangian.
3. Makatotohanan lamang ang binabanggit.
Comments
Post a Comment